Thursday, June 6, 2019

Paano mag-renew ng passport sa Taiwan

Sa mga OFW na malapit na ma-expire ang passport ay maaari kayo mag renew ng passport at ang gagawin lamang ay pumunta lang sa https://www.meco.org.tw/ at i-click ang "Passport Appointment System". 


Fill-up lamang lahat na kailangan na information at mag appointment kung kelan kayo pupunta sa pinaka malapit na MECO office sa inyo (Taipei, Taiching, Kaoshiung). May mga weekend din bukas ang MECO para sa pagproseso ng passport pero base sa akin experience iwasan nyo pumunta ng weekend dahil matatagalan kayo sa dami ng tao pero kung no choice talaga agahan nalang ang pagpunta para mauna sa pila kung medyo tinanghali kayo aabutin kayo ng hapon. Yung application form di nyo na kailangan i-print dahil naka print out na sa MECO pero kelangan nyo xerox ng data page ng inyong passport ( Pages: 2, 3, 4, last page and the with latest Taiwan Visa and Entry Stamp) at Original ARC and one Photocopy (Front & Back). Maghanda din ng NT$2000 para sa bayad ng passport (yup alam ko ang layo ng presyo sa pinas, sabi nila dahil sa cost ng delivery? whatever..)
Pinaka mabilis na release ng bagong passport ay mga isang buwan at ang pinaka matagal ay dalawang buwan. Maaari nyo i-check kung meron na ba passport nyo sa https://passport.meco.org.tw/


No comments:

Post a Comment