Sa mga nakaraan mga taon hanggang ngayon ang E-bike ay naging popular sa Taiwan lalo na sa mga migrante or mga foreign workers, ito ay naging pangunahing transportasyon para sa pagpasok sa kanilang mga trabaho ngunit marami din ang di sumusunod sa batas trapiko at tumataas din ang mga aksidente dahil dito.
Ito ang panukalang batas para sa pagkontrol sa mga nagmamaneho ng E-bike
1. Ang nagmamaneho ay di dapat lalagpas sa timbang ng kanila minamaneho na E-bike ang multa ay NT$1800
2. Ang di pagsuot ng helmet ay magmumulta ng NT$300
3. Ang modification ng E-bike ay ang pinakamalaking multa na aabot sa NT$5400 dahil ayon sa gobyerno ng Taiwan ang modified na E-bike ay umaabot ang bilis ng 50km/h o mahigit na nagiging sanhi ng mga aksidente.
4. Ang E-bike na umaayos sa batas na bilis ay dapat 25km/h lamang at kapag nahuli na sosobra sa nasabing bilis ay mabibigyan ng multa na NT$900 hanggang NT$1800.
5. Ang nagmamaneho na edad 18 pababa ay dapat may kasamang matanda na nasa edad na 18 pataas.
6. Kung may plano magmaneho ng E-bike na may minor na edad ay dapat may upuan na pambata at kung wala ito ay maaaring pagmultahin ng NT300.
Ang mga nabanggit ay ang mga panukalang batas at ito ay maaari pang madadagdagan, sa aking pananaw tama lang ito dahil dumadami na nagmamaneho na di sumusunod sa batas trapiko, araw-araw ko nakikita sa daan kung paano magmaneho ang iba. Natutuwa ako at nagkaroon ng ganyan na hakbang ang gobyerno ng Taiwan, para sa akin ito naman ay para sa kaligtasan ng lahat.

No comments:
Post a Comment