Thursday, June 13, 2019

Bagong batas para sa TNT sa Taiwan

Mula sa July 1, 2019 ay may bagong batas para sa mga nag-overstay or TNT sa Taiwan, sumuko ka man o mahuli ay magbabayad o multa na NT$100,000 kung isang taon nag-overstay, NT$200,000 sa dalawang taon na nag-overstay at NT$350,000 naman sa mga lagpas tatlong taon pataas na nag-overstay.

Kaya hinihikayat ng immigration na sumuko na bago mag June 30, 2019, sa mga ayaw magbayad ng multa ay ikukulong ng tatlong taon. Kapag nag-umpisa na ang bagong batas, ang immigration at mga lokal na opisyales ay mas magiging strikto sa pag inspect ng iba't ibang lugar na may maraming migrante. Dalhin lagi ang ARC o kung bagong dating ka palang mag-dala ng xerox copy ng iyong passport at kung nasa proseso naman ng pag-rerenew ng ARC magpa-xerox o picturan ang iyong ARC. Kung wala ka kopya ng ARC o passport dapat meron ka health card na maaaring gawin din identification kapag nagkaroon ng random inspection.

No comments:

Post a Comment